Dr. Rolando Q. Mallari kasama si Dr. Cristopher Brandon C. Mallari.

Ang Gawad Pagkilala ay tinanggap ng Pamahalaang Aringay mula sa Pamahalaang Probinsya ng La Union sa kanilang maigting at masigasig na gawain laban sa Covid-19 noong araw ng Setyembre 24, 2021. Tinanggap ito ng Municipal Health Office ng Aringay sa pamamagitan ng Officer-in-Charge ng Kalusugan ng Aringay na si Dr. Rolando Q. Mallari kasama si Dr. Cristopher Brandon C. Mallari.

Iginawad din ang mga parangal para sa Sampung Nangungunang BHWs at BNS dito sa La Union. Si Riza C. Morales, BHW ng Sto. Rosario at si Cristine G. Rabadon BNS ng San Benito Sur ang nagkamit ng mga Gawad Pagkikilala sa taong ito. Ipinarating ni Gobernador Francisco Emmanuel Pacoy Ortega III na mayroong sinusunod na panuntunan ukol sa Kalusugan dito sa La Union para mas maging malakas ang pundasyon para isang nagkakaisang probinsya!

Si Dr. Ed Posadas naman ay humingi ng mas malawakang kooperasyon hindi lang sa mga LGU kundi sa buong mamamayan para ang landas g Kalusugan para sa Lahat ay tayo ang pinakamataas sa ASEAN sa 2030 at sa Asya sa 2040.