Si Samson Villarosa, Dr. Rolando Q. Mallari, Julie San Andres (mga kinatawan ng Munisipyo ng Aringay )ay tinanggap ang Certificate of Commendation mula kay Khristian Paul Maglaya (kinatawan ng OWWA Region 1)

Nakatanggap ang Pamahalaan ng Aringay ng isang Sertipiko ng Papuri (Certificate of Commendation) para sa Balik Pilipinas, Balik Probinsya na programa ng OWWA.

Nakipagtulungan ang Munisipalidad sa OWWA sa pamamagitan ni Julie San Andres, (Municipal Desk Officer for OFWs), Dr. Rolando Q. Mallari, Focal Person ng Municipal Task Force Against Covid-19 at ni Samson Villarosa, LDRRMO 1 sa programang ito ng OWWA.

Ang mga nagbabalik na OFW ay sinasalubong ng Munisipyo or kung kamag-anak man ang sasalubong napagsasabihan sila na sila ay dumeretso sa Municipal Triage. Ang Sertipiko ng Papuri ay iginawad ni Mr. Khristian Paul Maglaya, kinakatawan ni Region 1 OWWA Director Gerardo Rimorin.